Stairs

Kanina (o kagabi?), nanaginip ako na umakyat daw ako ng hagdan. And it’s not an ordinary staircase. Bakit? Kasi naka-hang siya. Bale, yung first few steps na dapat nasa sahig ay wala. Yung unang hakbang, nasa taas. Medyo taas ng ulo ko. Ewan ko kung anong superhuman strength ang meron ako pero tumalon ako at inabot yung unang step at hinila yung sarili ko paakyat.

And then I reached the top.

Bago pa man makawala sa memorya ko yung panaginip, ni-research ko yung meaning ng panaginip ko:

To dream that you are walking up a flight of stairs indicates that you are achieving a higher level of understanding. You are making progress in your journey, whether it is a spiritual, emotional or material one.

With graduation nearing, the stress of passing my examinations is really taking its toll. I just hope this dream is a good sign.

Sweet Talker

Kahapon nagpa-picture kami para sa memorabilia ng batch namin. Haggard ako nang dumating sa school at haggard nang makarating sa makeup station.

Nung magpapa-picture na ko, natameme ako bigla. Naisip ko kasi, “Oo nga, may hitsura nga yung photographer.

Marami kasing mga nauna sa akin na magpapicture. Lahat sila ang comment, ang gwapo raw nung photographer. Eh nung nasa loob na ko ng room at nakita siya sa malayuan, sabi ko hindi naman. Kasi ang layo niya kaya di ko makita. Malabo pa yung mata ko. Hahaha. Pero nung nakita ko ng malapitan tsaka nakapag-eye-to-eye na kami, shemay! kahit hindi niya sabihin na mag-smile ako, mapapangiti talaga ako. Nalaman ko later na Von yung pangalan niya.

Plano ko talagang manahimik lang sa buong isang minutong nakatayo ako doon. Kaso bigla siyang nagsalita.

Von: Alam mo, kamukha mo yung asawa ng kuya ko.

Ang awkward sa pakiramdam, pero mas awkward yung sinagot ko.

Ako: Maganda?

Hahahaha! Bwiset, anlandi ko lang.

Von: (ngumiti) Syempre. Mag-aasawa ba naman ang kuya ko ng hindi maganda?

Natameme ako pagkatapos non.

May nilalagay siya sa balikat ko, parte ng toga pero di ko alam yung tawag. Basta. Tapos kinuha niya yung shot. Tapos tinanggal niya yung hawak kong nameplate at pinalitan nung cap.

Inayos niya yung buhok ko sa likod ko.

Von: Ang ikinalamang lang niya sa’yo, mas maputi siya.

Lumayo siya saka kumuha uli ng picture.

Von: 20 ka na no?

Ako: Oo.

Von: Sabi na nga ba. Kabatch ko lang kayo eh.

Tapos picture uli siya.

Yun na ata yung huli niyang sinabi. Wala na akong maalala. Masyado akong nas-starstruck sa kanya. Hindi ko talaga napigilang tumingin sa mata niya. Ang ganda kasi.

Kaso pagkatapos nung encounter, medyo nawala na yung glow ng flirtation niya (glow ng flirtation! hahahahaha.) Kasi halos lahat din ng classmates at schoolmates ko na pinicture-an niya, kinakausap niya rin ng ganon. Flirt talaga siya, sobra.

Wala namang masama doon pero habang dumarami yung kwento ng encounters sa kanya na naririnig ko, nawawala yung feeling ng pagiging special ko.

Ganon pala yung feeling. Now I know.

Pambabae yan. Bading ka ba?

Kanina nasa tindahan ako. Merong isang batang lalaki na nagpapabili sa nanay niya ng Jackstones.

Bata: Ma, bili mo ko no’n.
Nanay: Wag yan, pambabae yan. Bading ka ba?

Hindi alam nung bata kung ano yung ibig sabihin ng bading kaya pinilit niya ng pinilit yung Mama niya sa Jackstones. Paulit-ulit naman yung nanay sa “bading ka ba” comment niya.

Yung mga batang kasama ng anak niya, tinukso siya na bading siya kasi nagpapabili ng Jackstones.

Tapos tumahimik yung bata. Parang nahiya. Kasi siguro feeling niya may mali siyang nagawa when in fact he did nothing wrong.

Why is society so hard on us? Tamo, isang inosenteng bata, hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng bading. Nalaman niya noong sinabi ng mama niya. Noong kinutya siya ng mga kaibigan niya. Somehow, that brought negative feelings on the kid. Pinagalitan at pinagtawanan siya dahil gusto niyang bumili ng Jackstones. I’ll bet next time, he won’t want to buy it again kasi “pambabae” ang jackstones.

Nakakalungkot kasi siya mismo yung matanda, siya pa ang naglagay ng division between what should be feminine and masculine. Siya pa yung close-minded sa mga ganoong bagay. Kaya tuloy pati yung bata lalaking ganoon. Lalaki siya na takot harapin yung sarili niya at yung gusto niya just because he is scared of being labeled gay. Because he is scared of the names he will be called.

Ano namang mali sa paglalaro ng Jackstones? Ano ang nakakababae sa Jackstones? Dahil ba may ball na nilalaro? Eh bakit ang Basketball, may ball din naman pero panlalaki? I just don’t get it.

Ganito tayo pinapalaki ng society. We are being labeled based on what we want. Based on what should and shouldn’t be. Pero sino ba ang nagdidikta ng kung anong tama o mali? Sinong babae o lalaki? Tayo rin naman ang naglagay ng labels. Think it’s about time we take it off.

Maybe It’s My Lonely Heart Speaking

Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ka lang uli sumagi sa isip ko. At hindi ka lang basta sumagi, nanatili ka pa dito the whole day. May isipin man akong iba, alam kong nasa sulok ka lang ng isip ko’t nagpapalipas hanggang sa wala na akong ibang pwedeng isipin pa kundi ikaw.

Gaano katagal na ba mula noong huli tayong mag-usap? Mahigit isang taon na ata. Ewan ko ba kung bakit tayo nawalan ng communication. Ganito kasi tayo: ikaw ang laging unang nakikipag-usap samantalang ako, maghihintay lang na kausapin mo. Ni minsan hindi ako yung boluntaryong nangamusta.

Ngayon gusto kong gawin iyon. Gusto kitang kumustahin. Pero hindi ko na kasi alam yung lugar ko. Alam kong iba na yung napagbabahagian mo ng mga kwento tungkol sa araw mo, o kung gaano ka-stressful ang paghahanap ng trabaho, o tungkol sa kotse na plano mong bilhin, o di kaya’y pagsend sa akin ng mga litrato ng pagkain na pareho tayong tinatakam. I miss that.

Sana pala hindi ko t-in-ake for granted yung relationship natin. Pero ano nga ba kasi talaga yung relationship natin? Kahit ako hindi sigurado. Kahit yung salitang “friends” parang hindi angkop. Sana pala nagtanong ako para malinaw.

Gusto ko tuloy bumalik sa mga moments na laging may kumakausap sa akin tungkol sa araw ko. Yung may taong nagpapa-special ng isang ordinaryong araw.

Maybe it’s my lonely heart speaking, pero sana binigyan kita ng chance. I was young then. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko–kung anong ginagawa natin. Cliche na pero… Maybe you could have been the right one but made the move at the wrong time.

Sana, one day, kung papalarin na ikaw pa rin yung right one… Sana right time na. Kasi for sure, alam ko na ang gagawin ko. I’ll lay it all on the table and take that chance.

IMG_2110.JPG
(Photo credits to: bespren)