Passenger’s Seat

Jusko, ayaw ko nang maging pasahero. Nakakastress yung transportation system sa Pilipinas.

Kanina, pauwi galing MOA, ang tagal kong nag-abang ng bus. Syempre, ako namang atat na umuwi, tinanggap na ang kapalaran ko sa standing. Yun pala pauupuin din ako. Pauupuin ako sa aisle. 

Ang shit lang. Bawal na palang magpunuan sa bus kung dadaan sa Macapagal, bakit hindi man lang nila ininform yung mga pasahero na bumaba kung ayaw sa aisle? Nagbabayad ako para sa upuan, tapos magtitiyaga ako sa aisle? Ano, uupo sa hangin? 

Grabe. Sa sobrang kagustuhang makakiha ng pasahero at makakita ng mas malaki, isinasantabi na yung comfort. Ang nakakainis lang, walang umaangal sa maling sistema. Mali na nga, nananahimik pa. 

Kung makakababa lang talaga ako nung mga panahong iyon, nagawa ko na. Nashock lang ako kasi ako na lang yung nakatayo, lahat sila nakaupo na sa gitna. 

Yung pagsakay ko naman ng jeep, yung ateng katabi ko, nakasabit yung kamay sa hawakan sa taas tapos nakapatong yung siko sa balikat ko. Mukha ba akong lamesa? Nakakainis. Ang dami ko pang rants sa jeep, ayoko nang isa-isahin at naiistress lang ako.

Gustuhin mo mang mag-taxi kaso nangongontrata sila ng presyo. Kung di ka papayag, ilolock nila yung pinto at hindi ka palalabasin hangga’t di mo binabayad yung gusto nilang presyo. Nandiyan din yung mga risk ng kidnapping, rape, nakawan, etc.

Sa LRT, ang kailangan bagong tren, turnstile ang pinalitan. Magnetic cards pa nga lang natatanga nang gamitin, yung beep card pa kaya? Tapos kapag rush hour, ang haba lagi ng pila sa tickets. 

Gustuhin mong bumili ng kotse, bukod sa mahal, magastos, pamatay pa yung traffic na dadatnan mo.

Akala ko sa tagal ng taon kong magiging pasahero, masasanay na ako. Pero each day I ride through public transportation, I find that there are still a few things that I could add to the list that I hate about it.

Advertisements

What you do not know will not hurt you

Last week, nung review time sa Law, napag-usapan namin yung topic sa Agency tungkol sa acts of the agent, ganon. Tapos biglang napunta sa usapang may hugot. Sabi ni Sir:

What you do not know will not hurt you. Pero kunwari ikaw, nagdududa ka sa boyfriend mo, baka may girlfriend na iba. Anong gagawin mo? You pretend that you do not know. 

Me: (thoughts) Kapag nagpapakatanga lang naman talaga ganyan eh.

Sir: Assuming you know… You just pretend that you were not hurt. 

Grabe, ang lakas ng reaction sa room eh. Pramis, kapag hugutan talaga, active sa klase. Pero kapag subject proper, nagsisitulugan na. Ang ganda kaya ng Law. Tsaka yung mga kwento ni Sir tungkol sa babies (cars) niya. 

Stairs

Kanina (o kagabi?), nanaginip ako na umakyat daw ako ng hagdan. And it’s not an ordinary staircase. Bakit? Kasi naka-hang siya. Bale, yung first few steps na dapat nasa sahig ay wala. Yung unang hakbang, nasa taas. Medyo taas ng ulo ko. Ewan ko kung anong superhuman strength ang meron ako pero tumalon ako at inabot yung unang step at hinila yung sarili ko paakyat.

And then I reached the top.

Bago pa man makawala sa memorya ko yung panaginip, ni-research ko yung meaning ng panaginip ko:

To dream that you are walking up a flight of stairs indicates that you are achieving a higher level of understanding. You are making progress in your journey, whether it is a spiritual, emotional or material one.

With graduation nearing, the stress of passing my examinations is really taking its toll. I just hope this dream is a good sign.

Pambabae yan. Bading ka ba?

Kanina nasa tindahan ako. Merong isang batang lalaki na nagpapabili sa nanay niya ng Jackstones.

Bata: Ma, bili mo ko no’n.
Nanay: Wag yan, pambabae yan. Bading ka ba?

Hindi alam nung bata kung ano yung ibig sabihin ng bading kaya pinilit niya ng pinilit yung Mama niya sa Jackstones. Paulit-ulit naman yung nanay sa “bading ka ba” comment niya.

Yung mga batang kasama ng anak niya, tinukso siya na bading siya kasi nagpapabili ng Jackstones.

Tapos tumahimik yung bata. Parang nahiya. Kasi siguro feeling niya may mali siyang nagawa when in fact he did nothing wrong.

Why is society so hard on us? Tamo, isang inosenteng bata, hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng bading. Nalaman niya noong sinabi ng mama niya. Noong kinutya siya ng mga kaibigan niya. Somehow, that brought negative feelings on the kid. Pinagalitan at pinagtawanan siya dahil gusto niyang bumili ng Jackstones. I’ll bet next time, he won’t want to buy it again kasi “pambabae” ang jackstones.

Nakakalungkot kasi siya mismo yung matanda, siya pa ang naglagay ng division between what should be feminine and masculine. Siya pa yung close-minded sa mga ganoong bagay. Kaya tuloy pati yung bata lalaking ganoon. Lalaki siya na takot harapin yung sarili niya at yung gusto niya just because he is scared of being labeled gay. Because he is scared of the names he will be called.

Ano namang mali sa paglalaro ng Jackstones? Ano ang nakakababae sa Jackstones? Dahil ba may ball na nilalaro? Eh bakit ang Basketball, may ball din naman pero panlalaki? I just don’t get it.

Ganito tayo pinapalaki ng society. We are being labeled based on what we want. Based on what should and shouldn’t be. Pero sino ba ang nagdidikta ng kung anong tama o mali? Sinong babae o lalaki? Tayo rin naman ang naglagay ng labels. Think it’s about time we take it off.

Maybe It’s My Lonely Heart Speaking

Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ka lang uli sumagi sa isip ko. At hindi ka lang basta sumagi, nanatili ka pa dito the whole day. May isipin man akong iba, alam kong nasa sulok ka lang ng isip ko’t nagpapalipas hanggang sa wala na akong ibang pwedeng isipin pa kundi ikaw.

Gaano katagal na ba mula noong huli tayong mag-usap? Mahigit isang taon na ata. Ewan ko ba kung bakit tayo nawalan ng communication. Ganito kasi tayo: ikaw ang laging unang nakikipag-usap samantalang ako, maghihintay lang na kausapin mo. Ni minsan hindi ako yung boluntaryong nangamusta.

Ngayon gusto kong gawin iyon. Gusto kitang kumustahin. Pero hindi ko na kasi alam yung lugar ko. Alam kong iba na yung napagbabahagian mo ng mga kwento tungkol sa araw mo, o kung gaano ka-stressful ang paghahanap ng trabaho, o tungkol sa kotse na plano mong bilhin, o di kaya’y pagsend sa akin ng mga litrato ng pagkain na pareho tayong tinatakam. I miss that.

Sana pala hindi ko t-in-ake for granted yung relationship natin. Pero ano nga ba kasi talaga yung relationship natin? Kahit ako hindi sigurado. Kahit yung salitang “friends” parang hindi angkop. Sana pala nagtanong ako para malinaw.

Gusto ko tuloy bumalik sa mga moments na laging may kumakausap sa akin tungkol sa araw ko. Yung may taong nagpapa-special ng isang ordinaryong araw.

Maybe it’s my lonely heart speaking, pero sana binigyan kita ng chance. I was young then. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko–kung anong ginagawa natin. Cliche na pero… Maybe you could have been the right one but made the move at the wrong time.

Sana, one day, kung papalarin na ikaw pa rin yung right one… Sana right time na. Kasi for sure, alam ko na ang gagawin ko. I’ll lay it all on the table and take that chance.

IMG_2110.JPG
(Photo credits to: bespren)

Wasting Time

Kung meron man akong hindi dapat ginagawa ngayon, iyon ay ang pagwawaldas ng oras ko. Pero kanina pumasok ako ng school, ready to take on the day, to study Practical Accounting 2. Pero pagdating sa school bigla akong napagod. Ewan ko kung bakit. Parang ang bigat ng feeling ko. Sinubukan kong magpatuloy sa araw ko to no avail. I can’t concentrate on what I was doing. Kaya I packed my things and went home. Pag-uwi, sabi ko mag-aaral ako sa bahay. Pero natulog lang ako. Pagkagising sabi ko mag-aaral na talaga ako. But I did not.

I just feel so mentally tired, I guess. Sana enough na yung buong araw ng mental shutdown. Bukas gusto ko, back to work na. I don’t have time to waste. Bawat segundo ng buhay ko ngayon, sobrang precious. So whatever happened today, I hope tomorrow it’s going to be okay.