Monito Monita #1: Something Long and Hard

Aga naming mag-Kris Kringle no? Excited ‘tong mga classmate ko sa 8. Unang exchange gift namin last Saturday, November 23. Tinamad lang talaga akong i-blog kaagad kaya eto, ngayon ko lang isusulat.

Simulan muna natin sa kung gaano kahirap mag-isip ng something long and hard. Yung something long pa nga lang, mahirap na, sinamahan pa ng hard. Edi mag mahirap na, ‘di ba? Pwede ba yung pag-iisip ko na lang ng kung anong ireregalo? Something long and hard iyon eh. Isa pa, ang hirap isipan ng pagbibigyan ko. ‘Di ko alam kung magugstuhan niya ba o hindi.

Una kong naisip na iregalo eh pamaypay. Mahilig si Alfie sa pamaypay eh. Tsaka lagi siyang may gano’n. Kaso naisip ko na baka yung magbibigay sa’kin pamaypay rin yung ibigay kaya walang sense kung iniregalo ko pamaypay tapos yung babalik sa ‘kin ay pamaypay pa rin. So, no fans.

Pangalawa, naisip kong bilhan ng walis tingting. Kaso ang hirap bitbitin.

Tinanong ko na siya kung anong gusto niya tapos ang sabi niya kahit ano raw basta kakaiba. Edi mas nahirapan na ako kasi gusto niya ng kakaiba. Ang sarap konyatan!

In the end, niregaluhan ko siya ng ampalaya. I know, I know. It’s a silly gift but I was running out of ideas at that time. Wala na talaga akong maisip na maa-appreciate ng taong reregaluhan ko. Sige na, ako na ang lousy gift giver!

IMG_1740

At least sinamahan ko pa ng ways kung paano magluto ng ginisang ampalaya. Kahit na medyo mali. Oh well.

And I was right about my guess. Pamaypay nga yung natanggap ko. 🙂

IMG_1742