Bakit Ayaw Kong Magtext

Sa panahon ngayon, lahat tech-y na. Hindi mo na kailangang bumili ng yellow paper, envelope, at stamp sa tindahan para lang makapagdala ng message sa ibang tao. Really, sobrang laking ginhawa ng text messaging para sa lahat. Pero lately napagtanto ko na ayaw kong magtext.

Envelope3

Hindi naman sa anti-technology ako. In fact, I love technology. I embrace it. Kung wala nito, eh saan pa ako magda-download (illegally, BWAHAHAHAHA!) ng books at music na kinababaliwan ko. Tsaka ang dami kong nae-explore through the internet. Gusto ko rin naman ng gadgets lalo na kung may e-reader at malaki yung torage for music. Point is, hindi lang talaga ako mahilig mag-text.

Here are some reasons why:

1. Hindi marinig yung tono ng boses mo. Sure, kung ka-close mo na yung taong kausap mo, alam na nila lahat ng tono at intonasyon mo sa mga specific na sinasabi nila. Alam mo kng kelan sila sarcastic, seryoso, galit,o nagbibiro. Pero minsan mahirap pa ring i-point out. Lalo na kung yung tono ng boses mo yung strongest trait.

2. Hindi nakikita yung facial expressions mo. Parang katulad lang din sa una. imbis na boses, mukha naman. Face-to-face conversations are still different. Mas feel mo yung moment kesa kapag through text lang. Minsan din ang hirap ipaabot sa isang tao yung gusto mo talagang iparatin kasi mere words cannot convey what you actually want to say. Communication really must be a combination of words, tone, actions and facial expressions to show what you really feel. Iyon ang pinakamalaking drawback ng texting.

3. Seenzone. Nakakainis yung naghihintay ka sa reply ng isang tao. Hindi mo alam kung na-seenzone ka na o sadyang hindi pa talaga nababasa ng kausap mo yung text mo o naubusan ka ng load at late mo lang nakita na hindi pala nag-send yung message mo. Nakakainis minsan yung pakiramdam na sobrang anxious ka na matanggap agad yung reply, na kadalasan iniisip mo na baka sinasadya na lang nila na hindi ka pansinin or what.

4. Haha. Aaminin kong ginagamit ko ang apat na letrang to para lang may masagot sa isang message. Ayaw ko naman kasing ma-seenzone yung kausap ko. Kaya kung meron sa aming dalawa na hindi magre-reply, siya na lang. At least hindi ko siya pinaasa na hindi ako nagreply. Isa pa, nakakapanlinlang ang “haha.” Hindi mo kasi alam kung genuine na may nakakatawa o space-filler lang sa text. Sa katotohanan, sa tuwing binasaba ko yan, ang flat na ng tono niya sa isip ko kaya wala na ring kahulugan kundi space-filler. Haha.

5. K. Hindi ka nga na-seenzone pero na k-zone ka naman. Ayos lang ‘to at times. Ito yung sumisimbolo ng end ng conversation, sa ayaw mo man o sa gusto mo. Nakakainis lang kapag sobrang haba ng sinulat mo tapos ito lang ang binigay sa’yo. Tama nga sila, ang dami mong ibinigay, kulang pa yung sinukli.

ff439535f0acd0db1c21eefed90d52a3

6. Yung hindi natatapos na usapan. Hindi mo lang kasi masabi na ayaw mo nang makipag-usap kaya kahit maliliit na bagay, pinag-uusapan niyo na. Nag-aaksaya na lang kayo ng piso (kahit na unli talaga) sa bawat message na sine-send. Tsaka imbis na gumawa ka ng makabuluhang bagay, nagte-text ka lang. Just because you’re too nice to tell the other to stop texting already. Hindi ko rin maintindihan yung mga taong nagagawang makipag-usap ng ganito the whole day (ehem, lovers). Bakit hindi niyo kasi bigyan ng chance na ma-miss ang isa’t isa? Pwede naman ‘yun diba?

7. Nagagawa tayong magsinungaling. “Ay sorry, ngayon ko lang nabasa yung text mo.” Pero ang totoo, kahapon pa talaga, wala ka lang load o kaya tinatamad kang magreply o kaya ayaw mo lang talaga siyang reply-an. Bakit hindi na lang ‘yon ang sabihin mo sa kanya? Bakit kailangan mo pang sabihin na ngayon mo lang nabasa? I hate to admit but I do this too. At gusto ko talagang pakawalan yung habit na ‘yon.

8. Tinatamad talaga ako. Ako kasi yung tipo ng tao na mas gustong makipag-usap personally kasi nga ayaw kong nararanasan at nagpaparanas ng mga bagay as stated above. Kahit na i-try kong iwasan, I still do it. Isa pa, mas gusto ko yung bond at connection na nagagawa ng harapan na pag-uusap kesa sa conversation kung saan may barrier ng pagpaparating ng gusto mo talagang sabihin.

Siguro ito rin yung mga dahilan kung bakit may mga taong sobrang close sa text pero sa personal, walang imikan. Kumportable ka sa kanya kapag katext mo siya pero kapag harapan na, wala kang masabi. Napakalaking barrier ito na ginawa ng texting sa generation natin. Ang mahirap pa, minsan kapag through text lang ang conversation, kaya mong ipakita yung totoong ikaw pero sa personal hindi or vice versa. Nagkakaroon tuloy ng alter-ego and eventually malilito ka na kung ikaw ba talaga yung tao sa text o yung tao na wala sa text. Sometimes, you can never truly be yourself. And that’s so sad.

text-message

I’m not saying no texting or anything. Nagte-text pa rin naman ako. Kinakausap ko pa rin ang friends ko through text kasi minsan iyon ang best way to communicate dahil poor kaming lahat at walang pang-call. The good thing about texting them is that they’ll always know kung kelan ako tinatamad nang magtext without offending them, o kung kelan totoo yung “haha” ko, etc. Isa pa, kung ano ako sa kanila sa personal, iyon din ako sa text. So I guess minsan, texting really depends on who you are talking to. Even with the downsides, it still has its perks.

Advertisements

2 thoughts on “Bakit Ayaw Kong Magtext

  1. Hi, just a random reader here 😀 I totally agree po, may mga tao talaga na ka-close ko (sa text or chat) pero sa personal parang wala na akong masabi tapos kapag friends ko naman ayaw ko namang itext, I don’t feel like texting them( minsan kapag may mga importanteng ichichika haha) mas gusto ko yung personal conversations kasi parehas kayong nakakarelate sa mga sinasabi nyo about sa pali-paligid o sa mga nakikita around us. Tapos I hate it pa kapag ako yung gumagawa ng paraan just to keep the conversations going, I have to create a topic para may mapag usapan kami, kaya hindi ako napagpapaload e para may excuse, Pero gaya ng sabi nyo depende talaga sa taong itetext Yung tipong ka-close mo na sa personal ka close mo pa sa text, yung hindi awkward kausapin kapag may mga sarcastic phrases ka na sasabihin. I like those people na hindi alalahanin kpag may nasabi kang sa tingin ng ibang tao ay sign of chuchuness (can’t find the words to describe haha) doon sa tao, haha yun lang po! I’m also a fan nyo po sa Wattpad! I really like your stories na Limerence and the sound of silence! Keep writing and god bless po ^_^

    • Hello Shan! I hope you get my reply! Maraming salamat sa comment mo sa post ko. Nagulat pa nga ako dahil Wattpad-person ka! Thank you sa pagbabasa ng storie ko. I really appreciate it! ❤

      Gusto ko rin yung point mo sa conversations: "I hate it pa kapag ako yung gumagawa ng paraan just to keep the conversations going." Parang sobrang effort mo pa para lang magkausap kayo. Communication should be effortless and fun. Minsan kung hindi rin anman worth it yung pakikipag-usap kasi nagiging trying hard na, wag na lang kausapin. HAHAHAHAHA! XP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s