Masochism is a Learned Trait

“Human beings are most inclined
to love the things
that hurt them the most
not because we are masochists by birth,
but because
we are taught from a young age
that true love is going to, is supposed to, hurt you in ways
you cannot fathom”


—Lorinda Ament, Masochism is a Learned Trait

Advertisements

Remembered

Kanina, habang pinoproblema ko yung pagpapa-predefense namin sa thesis, nakatanggap ako ng isang message from an unknown number. Yung nakasulat lang ay yung buong pangalan ko, with question mark sa dulo. So na-curious kaagad ako kung sino yon kasi mukha namang matino yung nagtatanong. Una, tinanong ko sa mga kasama ko kung kilala nila ‘yun. Wala rin sa contacts nila kaya nag-reply na lang ako, “Sino ‘to?”

Nagulat na lang ako kasi classmate ko nung high school yung nagreply. May sasabihin daw siya sa ‘kin kasi naalala niya lang. Ako daw kasi yung gumawa ng pirma niya na hanggang ngayon ginagamit pa niya.

Sa unang basa, parang hindi big deal ‘to. Pero kasi yung classmate ko na ‘to ngayon ko lang uli nakatext simula nang gumraduate kami ng high school. Hindi rin siya active sa text at Facebook. Iba na rin yung number ko kasi nanakaw yung phone ko na yung sim ay yung number ko na alam ng lahat ng classmates ko nung high school.

Na-touch lang ako kasi nag-effort pa talaga siyang kuhanin yung number ko para lang sabihin sa akin yung fact na naalala niya ako dahil sa pirma niya. Napaka-trivial na bagay, na from an outsider’s point of view, wala nang kwenta pero sa akin, ito yung nag-brighten ng araw ko. It’s good to know that even once in a while, you are still remembered from the little things you do.

Bakit Ayaw Kong Magtext

Sa panahon ngayon, lahat tech-y na. Hindi mo na kailangang bumili ng yellow paper, envelope, at stamp sa tindahan para lang makapagdala ng message sa ibang tao. Really, sobrang laking ginhawa ng text messaging para sa lahat. Pero lately napagtanto ko na ayaw kong magtext.

Envelope3

Hindi naman sa anti-technology ako. In fact, I love technology. I embrace it. Kung wala nito, eh saan pa ako magda-download (illegally, BWAHAHAHAHA!) ng books at music na kinababaliwan ko. Tsaka ang dami kong nae-explore through the internet. Gusto ko rin naman ng gadgets lalo na kung may e-reader at malaki yung torage for music. Point is, hindi lang talaga ako mahilig mag-text.

Here are some reasons why:

1. Hindi marinig yung tono ng boses mo. Sure, kung ka-close mo na yung taong kausap mo, alam na nila lahat ng tono at intonasyon mo sa mga specific na sinasabi nila. Alam mo kng kelan sila sarcastic, seryoso, galit,o nagbibiro. Pero minsan mahirap pa ring i-point out. Lalo na kung yung tono ng boses mo yung strongest trait.

2. Hindi nakikita yung facial expressions mo. Parang katulad lang din sa una. imbis na boses, mukha naman. Face-to-face conversations are still different. Mas feel mo yung moment kesa kapag through text lang. Minsan din ang hirap ipaabot sa isang tao yung gusto mo talagang iparatin kasi mere words cannot convey what you actually want to say. Communication really must be a combination of words, tone, actions and facial expressions to show what you really feel. Iyon ang pinakamalaking drawback ng texting.

3. Seenzone. Nakakainis yung naghihintay ka sa reply ng isang tao. Hindi mo alam kung na-seenzone ka na o sadyang hindi pa talaga nababasa ng kausap mo yung text mo o naubusan ka ng load at late mo lang nakita na hindi pala nag-send yung message mo. Nakakainis minsan yung pakiramdam na sobrang anxious ka na matanggap agad yung reply, na kadalasan iniisip mo na baka sinasadya na lang nila na hindi ka pansinin or what.

4. Haha. Aaminin kong ginagamit ko ang apat na letrang to para lang may masagot sa isang message. Ayaw ko naman kasing ma-seenzone yung kausap ko. Kaya kung meron sa aming dalawa na hindi magre-reply, siya na lang. At least hindi ko siya pinaasa na hindi ako nagreply. Isa pa, nakakapanlinlang ang “haha.” Hindi mo kasi alam kung genuine na may nakakatawa o space-filler lang sa text. Sa katotohanan, sa tuwing binasaba ko yan, ang flat na ng tono niya sa isip ko kaya wala na ring kahulugan kundi space-filler. Haha.

5. K. Hindi ka nga na-seenzone pero na k-zone ka naman. Ayos lang ‘to at times. Ito yung sumisimbolo ng end ng conversation, sa ayaw mo man o sa gusto mo. Nakakainis lang kapag sobrang haba ng sinulat mo tapos ito lang ang binigay sa’yo. Tama nga sila, ang dami mong ibinigay, kulang pa yung sinukli.

ff439535f0acd0db1c21eefed90d52a3

6. Yung hindi natatapos na usapan. Hindi mo lang kasi masabi na ayaw mo nang makipag-usap kaya kahit maliliit na bagay, pinag-uusapan niyo na. Nag-aaksaya na lang kayo ng piso (kahit na unli talaga) sa bawat message na sine-send. Tsaka imbis na gumawa ka ng makabuluhang bagay, nagte-text ka lang. Just because you’re too nice to tell the other to stop texting already. Hindi ko rin maintindihan yung mga taong nagagawang makipag-usap ng ganito the whole day (ehem, lovers). Bakit hindi niyo kasi bigyan ng chance na ma-miss ang isa’t isa? Pwede naman ‘yun diba?

7. Nagagawa tayong magsinungaling. “Ay sorry, ngayon ko lang nabasa yung text mo.” Pero ang totoo, kahapon pa talaga, wala ka lang load o kaya tinatamad kang magreply o kaya ayaw mo lang talaga siyang reply-an. Bakit hindi na lang ‘yon ang sabihin mo sa kanya? Bakit kailangan mo pang sabihin na ngayon mo lang nabasa? I hate to admit but I do this too. At gusto ko talagang pakawalan yung habit na ‘yon.

8. Tinatamad talaga ako. Ako kasi yung tipo ng tao na mas gustong makipag-usap personally kasi nga ayaw kong nararanasan at nagpaparanas ng mga bagay as stated above. Kahit na i-try kong iwasan, I still do it. Isa pa, mas gusto ko yung bond at connection na nagagawa ng harapan na pag-uusap kesa sa conversation kung saan may barrier ng pagpaparating ng gusto mo talagang sabihin.

Siguro ito rin yung mga dahilan kung bakit may mga taong sobrang close sa text pero sa personal, walang imikan. Kumportable ka sa kanya kapag katext mo siya pero kapag harapan na, wala kang masabi. Napakalaking barrier ito na ginawa ng texting sa generation natin. Ang mahirap pa, minsan kapag through text lang ang conversation, kaya mong ipakita yung totoong ikaw pero sa personal hindi or vice versa. Nagkakaroon tuloy ng alter-ego and eventually malilito ka na kung ikaw ba talaga yung tao sa text o yung tao na wala sa text. Sometimes, you can never truly be yourself. And that’s so sad.

text-message

I’m not saying no texting or anything. Nagte-text pa rin naman ako. Kinakausap ko pa rin ang friends ko through text kasi minsan iyon ang best way to communicate dahil poor kaming lahat at walang pang-call. The good thing about texting them is that they’ll always know kung kelan ako tinatamad nang magtext without offending them, o kung kelan totoo yung “haha” ko, etc. Isa pa, kung ano ako sa kanila sa personal, iyon din ako sa text. So I guess minsan, texting really depends on who you are talking to. Even with the downsides, it still has its perks.

My Feelings Are My Own

Bakit kapag malungkot ako, sasabihin nila na huwag dapat akong malungkot? Kapag masaya ako, wala naman daw akong dapat ikasaya. Kapag tumatawa ako, wala naman daw nakakatawa. Ngayong galit at naiinis ako, bawal akong magalit o mainis? Sino ba ang nakakaramdam? Ikaw ba o ako?

Iyon na siguro ang pinakanakakainis na gawain ng tao sa kapwa nila. Yung ibang tao ang nagdidikta ng nararamdaman mo. Halimbawa, sasabihin nilang dapat maging masaya ka na kasi FINALLY iniwan ka na ng high school sweetheart mo. “You don’t deserve him,” ipapayo pa nila habang umiiyak ka sa balikat nila. How did these people know what you deserve? Sila ba yung kasama ni sweetheart habang unang beses mong nakatikim ng milktea? Sila ba yung nandoon sa ilalim ng puno ng buko nang una niyang ibulong sa’yo na mahal ka niya? Puso ba nila yung hindi mapakali nang marinig iyon? Sila ba yung nakaramdam noon? Hindi naman. So bakit mo sasabihin sa kanya na hayaan na lang si sweetheart at kaya mong maging masaya kahit wala siya?

tumblr_mmw502fVPz1ryyvcao1_500

Magbibigay pa ba ako ng halimbawa? Baliktarin natin ang sitwasyon. Nang nakipaghiwalay siya sa’yo nakahinga ka ng maluwag kasi at last, hindi ka na magtitiyaga sa relasyon na meron kayo. “Bakit hindi ka umiiyak?” itatanong nila. “Bakit, kailangan ko ba siyang iyakan?” ang isasagot mo. Tapos na kasi yung mga gabing hindi ka makatulog para lang umiyak dahil sinaktan ka na naman niya. Yung mga araw na hinintay mo siya para lang hindi ka niya siputin sa kitaan niyo. Yung kapag uwian hinihintay mo siya para sabay kayo  umuwi only to find out na may iba pala siyang plano. Iiyak ka pa ba no’n?

May mga standards kasi tayong inilagay sa kung ano dapat ang nakakaiyak, ang nakakatuwa, ang nakakainis, ang nakakakilig, hindi natin iniisip na iba-iba pa rin tayo ng nararamdaman. Kapag ba sinabi kong mahal ko si James, mahal mo na rin siya? Gano’n ba yun?

Meron din ngang mga bigo sa pag-ibig. Mahal mo siya, hindi ka niya mahal. May magagawa ka ba? Hindi mo naman pwedeng utusan yung tao na mahalin ka.

Hindi porke hindi mo nararamdaman, bawal kong maramdaman. My feelings are my own so do not place feelings that aren’t there. Wag mong sabihin sa akin na huwag umiyak sa joke mo. Wag mong sabihing ‘wag akong tumawa sa iniiyakan mong palabas. ‘Wag mong sabihing bawal akong magalit sa’yo kasi wala ka namang ginagawang masama. Magkaiba kasi tayo ng punto de bista. Iba ang tama at mali mo sa tama at mali ko.

I respect your feelings kahit na at times hindi ako sang-ayon sa nararamdaman mo. Pero wala naman akong magagawa para baguhin ‘yon. Your feelings are your own. I respect that.

After note: Gumagawa dapat ako ngayon ng powerpoint presentation para sa report ko bukas. Nairita lang ako, napa-blog tuloy.

Tumaya Na Tayo Sa Lotto

Lotto. Lahat tayo gustong tumaya. Syempre, sa maliit na puhunang ibibigay mo, kapag sinuwerte kang makakuha ng jackpot, instant milyonaryo ka na. Effortless. Naglagay ka lang ng ilang numero, mga numerong importante sa’yo, mga numerong may significance sa buhay mo. At laking saya na lang kapag iyong mga numerong iyon pa ang nagdala sa’yo ng swerte.

Se-segue lang muna ako ng konti sa topic. Medyo segue lang naman pero hindi ba ang pagtataya sa lotto ay parang pagtataya sa love? Ayiiie, Aira in love ka ba? Bakit ganyan ka kung makapagsulat. Tinamaan ka na ba (finally) ng pana ni Kupido? 

The answer is: NO. Naisip ko lang kasi ‘to dahil sa convo namin ni Patrishia: 

Untitledas

Paano ka mananalo sa lotto kung hindi ka naman tumataya? Paano ka mananalo sa love kung hindi ka naman tumataya? 

Yung mga tumataya sa lotto, hindi naman lahat sila baguhan sa ginagawa nila. Minsan na rin silang natalo. Pagkatapos abangan yung combination na lalabas at makakita man lang ng isang numerong hindi tugma, napanghihinaan na yan ng loob. Pero pagkatapos matalo, tataya pa rin ‘yan. Kasi hindi pa rin nawawala yung hope na baka tumama na sila sa susunod. Iyon siguro ang magandang characteristic na pwedeng makuha sa mga manunugal na ‘to. 

See, ganon naman talaga ang pagmamahal. Isang sugal, parang lotto kung saan taya ka nang taya hanggang sa manalo ka. Hindi laging jackpot. Kailangan mo munang matalo ng ilang beses bago ka mag-decide kung itutuloy mo ang pag-take ng risk o titigil ka na kasi nauubusan ka na… ng pera. HAHAHAHA! 

Minsan, all it takes is that one chance, that one risk, that one bente pesos. 

 

Happiness

Yesterday was like the best day for me. Not because something big and memorable happened but because I was genuinely happy the whole day. I can’t remember the last time I felt so light and carefree but yesterday was that and so much more. I was laughing at the smallest things and was just having a great time. I was not thinking of our thesis–which I was thinking about for the past two weeks– and I was not at the least bit bothered by my lack of studying for our next subject. Though when I think about it, I should have been. Our professor bitched a lot during class and that’s the only blip on my happiness card.

I want this feeling everyday. But there’s this thing I read before and it actually has a point: Sometimes the only to be happy is to be sad at other times. You cannot really appreciate the happiness when you’ve never felt the sadness– or in my case, tiredness from school. I know no matter how many times I wish for days like yesterday, I only get a taste of happiness at a few doses so I want to remember it. Not the exact events (because I’m too much of a forgetful person to remember a lot), but the exact feeling. So that at times when I feel down, I’ll just think of the feeling and know that the sadness will always go away.