My Civil Service Registration Adventure

Pinipilit na ko ni Tita Beth na mag-take ng civil service exam so she shouldered the expenses so that we would not have any other reason to not take the exam this year. Last year kasi tinamad kaming magpasa. Driving force na yung libreng fee kaya napatulak kami ni Tatay na pumunta ng Pasay para magparehistro.

The drive was rainy. Umalis kami ng bahay, medyo makulimlim na pero ngayong araw lang kasi talaga yung free time ko kaya sabi ko kay Tatay, push na ‘to. Kaya kahit mabasa (dahil naka-motor lang kami), go pa rin. Nainis sakin si Tatay kasi wala akong dalang payong. XD

Hindi daw pwedeng sumama si Tatay sa loob ng DFA building, dapat yung examiner lang daw, sabi nung guard sa entrance. Kaya ako lang yung pumasok, tumambay sa waiting area si Tatay. Nung pumasok ako ng building, I felt like a probinsyana. Kailangan mo palang ilagay yung bag mo sa conveyor belt para ma-scan.Haha. Malay ko bang conveyor belt yung makina na nasa harap nun? Sa reception, doon ko lang naalala na kailangan ko nga pala ng photocopy ng ID ko kaya tinawagan ko si Tatay para sabihin ang info na ‘to tapos lumabas uli ako ng building. Na-badtrip ata sakin si Tatay kasi wala kagabi pa niya pinaalala sakin yun, hindi ko ginawa.

So si Tatay na lang yung lumabas, hinintay ko siya. Mga five minutes yun pero feeling ko 30 minutes kasi ang tagal. Balik uli ako, conveyor belt, reception. Tapos kinuha nila yung ID ko. Eh iyon lang yung dala kong ID para ipe-present sa registration. Tinanong ko yung lady guard kung okay lang ‘yon. Sabi niya basta may photocopy, pwede na. So pinapunta niya akong third floor. Pagdating ko doon, may guard uli tapos dinala niya ko doon sa office. Pagdating ko doon, unang pinuna nung kuyang magre-register yung ID picture ko. Mali daw. Tapos yung ID ko daw, dapat yung original copy nasakin eh diba nga iniwan ko sa guard. EH ISANG ID LANG DALA KO. Dilemma, dilemma. Bwisit.

Labas na naman ako, nagpa-picture ako. And you know what, 150 PESOS FOR SIX PICTURES ang nagastos namin. Ano ‘yon?! BURGIS lang.

Balik sa loob. Conveyor belt, reception. This time kasama ko na si Tatay kasi kakausapin niya yung sa reception kung pwedeng walang ID. In the end, ID niiya yung pinaiwan tapos kasama ko na siya sa third floor. Pwede naman pala eh, sabi pa nung guard sa labas bawal. Kaasar.

Sa office ng registration, babae naman yung nag-entertain samin. Okay na yung picture, dala ko na yung ID ko. Ang problema naman ngayon, HINDI VALID YUNG ID ko. Isa na nga lang yung ID ko, hindi ko pa mapagkakatiwalaan. Grabe, sobrang higpit nila. Sana pala nakakuha na kami ng police clearance nung umaga. Si Tatay kasi eh. Hmph. Sinuggest nila na magpagawa ng police clearance sa city hall ng Pasay pero 120 (compared sa 50 kapag sa LPC nagpagawa). So labas na uli kami. Sabi ko kay tatay this time, umuwi na lang muna kami, babalik na lang ako kapag papasok akong school, dadaanan ko. Kailangan na rin kasing bumalik ni Tatay, lunch break niya lang yung kinuha namin.

Sa city hall na kami ng LPC pumunta para magpa-police clearance para sure na sure na. Bukas, magpapa-validate na rin ako ng ID para wala nang palya. Bwisit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s