Ideas and Feelings

Nandito si Nica kanina (kakauwi niya nga lang ngayon eh) tapos as usual, balik high school yung mga topics namin.

And as usual, napag-usapan ka namin. Nabanggit ko na hindi na kita crush kasi nung huli kitang nakita, wala na yung spark na dati’y lagi kong nararamdaman sa tuwing nariyan ka. Dati, yung puso ko laging nagwawala pag malapit ka. Oo, ako nang cliche pero hello, saan pa ba nila kukunin yung mga predictable scenes na ganoon kung hindi iyon nararamdaman ng tao?

But that was then and this is now. Ang natitira na lang sa akon ngayon ay yung idea mo. Kung ano ka sa akin dati…

Nagulat ako noong biglang nasabi ni Nica yung insidente sa UST noong kukuha tayo ng entrance exam. Gabi na noon, pero nasa campus pa tayo, naghahanap ng CR. Naiirita na ko kasi yung sintas ng sapatos ko, tanggal ng tanggal. Nahuhuli na tayo sa mga kasama natin pero tumigil tayo sa paglalakad para matali ko yung sintas ko. Laking gulat ko na lang noong ikaw yung lumuhod at nagtali ng sintas ng sapatos ko. Naalala ko nung sinabi kong ang galing mong magtali ng sintas kasi hindi na uli natanggal yung sintas ko. Nagyabang ka at sinabing ganoon talaga kapag naglalaro ng basketball, kailangang mahigpit magtali ng sintas para di istorbo sa laro.

Naalala ko iyon. Naalala ko yung pakiramdam noong panahon na iyon. Naramdaman ko uli kanina.

Isa pa, pinaalala rin ni Nica yung hiningi kong sign noong nag-retreat tayo sa Baguio. Humihingi ako ng sign kung dapat ko bang pansinin yung nararamdaman ko sa’yo. May punto sa retreat natin na nagsasabihan tayo ng thank you at sorry sa isa’t isa. Wala pa rin akong sign. Not until you came and wrapped your arms around me from behind. Alam mo bang pangarap kong ma-experience ang mayakap mula sa likod? And there you went doing it. Nag-thank you ka sa akin at nagsorry. Ganoon din ang sinabi ko sa’yo. Pero alam mo kung anong magkaiba sa atin no’n? Wala kang ideya sa mga nangyayari. Sa mga nangyayari sa damdamin ko habang ako naman ay nagii-struggle sa na-discover ko.

Naalala ko iyon. Naalala ko yung pakiramdam noong panahong iyon. Naramdaman ko uli kanina.

But the thing is, hanggang feelings na lang ako. Feelings from the memory of you and I. Kaibigan kita, kaibigan mo ako. Alam kong hanggang doon na lang tayo at alam kong naka-move on na ako pero di ko pa rin maipagakakaila na yung memories mo ay nakakapagpakilig pa rin sa akin.

Napagtanto ko na masyado kong nagustuhan yung idea mo. At yung feelings na nararamdaman ko sa tuwing naiisip ka.

Kaya thankful ako sa’yo. Dahil kahit papaano, nagawa mong patibukin ng sobra sobra ang puso kong bato (okay, korni na yung huli. :P)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s