Panaginip

Natakot ako sa panaginip ko kagabi (o kaninang umaga). Meron daw kasing straight shooter na nag-aabang sakin tapos nandon kami sa high school campus namin. Sa rooftop. Tapos maya-maya dumating daw si Josh Hutcherson, yung Peeta role ung ginaganap niya. Edi tago kami ng tago dun sa mamamaril sakin.

One by one nakita ko yung mga relatives ko dumadating, tapos pwede silang barilin anytime. Sinasabihan ko silang magtago pero nandon lang sila.

Yung pinakakinatakutan ko eh nung dumating yung kaptid ko tapos pa-easy-easy lang siyang naglalakas sa edge ng rooftop, free para mabaril. Edi sinigawan ko sia ng sinigawan.

Sa sobrang focus ko na wag mabaril ang kapatid ko, di ko namalayan na nasa harap ko na yung shooter at wala na si Peeta.

And that was when I woke up.

Scary. 😱

Advertisements

Ms. Author

20131217-214511.jpg

Featured na yung work ko sa Wattpad. Mga 5 days na ata. Nakakatuwa kasi napili yung gawa ko para maging part ng Featured stories. I feel so accomplished especially dahil lampas 1 year na simula nung natapos ko iyon.

Kani-kanina lang, nakwento ko sa parents ko yung tungkol sa pagfi-Feature ng gawa ko. Natuwa ako kasi ang supportive nila kahit first time nilang marinig ang tungkol dito. Tinanong pa nila yung naging reaction ng readers ko. Edi binasa ko sa kanila yung ilang comments.

Ang sarap ng feeling na mai-share ito sa mga magulang ko.

Alam ko na ‘to dati pa, but everyday they continue to prove their love and support for me, nakaka-overwhelm. But I’m so happy because I made them proud. And that’s enough for me. Much more than the recognition I get from my readers (though I love those too!).

Light

Nakakatuwa. May lampshade kasi kami dito sa bahay. Bata pa ko nakikita ko na siya around the house pero ngayong college years ko lang talaga nagamit ng matino. Last night, napundi na yung ilaw niya. Edi pina-check ko sa tatay ko. Tinanggal niya yung lightbulb tapos sabi niya, “May ganito pa kayang ilaw sa hardware store?”

Syempre ako naman sabi ko meron doon. Bumbilya lang naman eh.

Sa sagot ni tatay nalaman ko yung history ng lampshade na yun. Regalo pala sa kasal ng ninong at ninang ng mga magulang ko. Sa kung bibilangin, 20 years old na yung lampshade. Mas matanda pa sa ‘kin!

What amazes me though, is how long it lasted in my parents’ possession. Ang 20 years ay sobrang haba kung tutuusin. Antique na siya. Bilib ako dito kasi halos lahat kami nagamit ‘to– kapag nagda-drawing si tatay ng floor plans at kapag gumagawa ng assignments kaming dalawa ng kapatid ko. Naghingalo na nga lang siya sa ‘kin because of all the late night schoolworks ko at fully utilized siya sa aking puder.

Alam kong bagay lang yung lampshade pero natuwa ako sa loyalty nito sa family ko, kung loyalty man ngang maituturing yung naging function niya sa amin.

In the end I came up with the realization that sometimes the light that guides us in most of our lives has their limit. Yung light na tinutukoy ko ay pwede mong i-interpret literally or figuratively. And as the light dwindles, you find out ways to light your path again. Kasi ang hirap kapag nasa darkness ka. Nakaka-disorient. Katulad ko, nasanay sa ilaw ng lampshade ko kapag nagawa ng assignment, ayan tuloy di ako makapag-aral kasi nadidiliman ako.

And sometimes, if the light can never shine as bright like it did before or possibly never light up again, you find a new lampshade. Something that may be out of what we were used to but one that will pull us out of the darkness.

I realize that now. Thanks to my lampshade.

I’m searching for my light. Hindi ko alam kung ang bago kong ilaw ay ang pagpapalit lang ng bumbilya o pagpapalit na ng buong lampshade. Pero isa lang ang sagot diyan…

Tara sa hardware store. ;D

Ideas and Feelings

Nandito si Nica kanina (kakauwi niya nga lang ngayon eh) tapos as usual, balik high school yung mga topics namin.

And as usual, napag-usapan ka namin. Nabanggit ko na hindi na kita crush kasi nung huli kitang nakita, wala na yung spark na dati’y lagi kong nararamdaman sa tuwing nariyan ka. Dati, yung puso ko laging nagwawala pag malapit ka. Oo, ako nang cliche pero hello, saan pa ba nila kukunin yung mga predictable scenes na ganoon kung hindi iyon nararamdaman ng tao?

But that was then and this is now. Ang natitira na lang sa akon ngayon ay yung idea mo. Kung ano ka sa akin dati…

Nagulat ako noong biglang nasabi ni Nica yung insidente sa UST noong kukuha tayo ng entrance exam. Gabi na noon, pero nasa campus pa tayo, naghahanap ng CR. Naiirita na ko kasi yung sintas ng sapatos ko, tanggal ng tanggal. Nahuhuli na tayo sa mga kasama natin pero tumigil tayo sa paglalakad para matali ko yung sintas ko. Laking gulat ko na lang noong ikaw yung lumuhod at nagtali ng sintas ng sapatos ko. Naalala ko nung sinabi kong ang galing mong magtali ng sintas kasi hindi na uli natanggal yung sintas ko. Nagyabang ka at sinabing ganoon talaga kapag naglalaro ng basketball, kailangang mahigpit magtali ng sintas para di istorbo sa laro.

Naalala ko iyon. Naalala ko yung pakiramdam noong panahon na iyon. Naramdaman ko uli kanina.

Isa pa, pinaalala rin ni Nica yung hiningi kong sign noong nag-retreat tayo sa Baguio. Humihingi ako ng sign kung dapat ko bang pansinin yung nararamdaman ko sa’yo. May punto sa retreat natin na nagsasabihan tayo ng thank you at sorry sa isa’t isa. Wala pa rin akong sign. Not until you came and wrapped your arms around me from behind. Alam mo bang pangarap kong ma-experience ang mayakap mula sa likod? And there you went doing it. Nag-thank you ka sa akin at nagsorry. Ganoon din ang sinabi ko sa’yo. Pero alam mo kung anong magkaiba sa atin no’n? Wala kang ideya sa mga nangyayari. Sa mga nangyayari sa damdamin ko habang ako naman ay nagii-struggle sa na-discover ko.

Naalala ko iyon. Naalala ko yung pakiramdam noong panahong iyon. Naramdaman ko uli kanina.

But the thing is, hanggang feelings na lang ako. Feelings from the memory of you and I. Kaibigan kita, kaibigan mo ako. Alam kong hanggang doon na lang tayo at alam kong naka-move on na ako pero di ko pa rin maipagakakaila na yung memories mo ay nakakapagpakilig pa rin sa akin.

Napagtanto ko na masyado kong nagustuhan yung idea mo. At yung feelings na nararamdaman ko sa tuwing naiisip ka.

Kaya thankful ako sa’yo. Dahil kahit papaano, nagawa mong patibukin ng sobra sobra ang puso kong bato (okay, korni na yung huli. :P)