General Cleaning

General Cleaning

Mahabang panahon na simula nung huli kong nilinis yung kwarto ko. Hahaha. Grabe ang daming alikabok sa ilalim ng kama ko. pati na rin sa shelves ko. Tapos dalawang kahon ng yung basura ko. Tinapon ko na kasi yung ibang notebooks ko na nung high school ko pa ginamit. Actually, binenta ko talaga eh. Kasi gagamitin ko yung pera pambili ng libro sa book fair this September.

Anyway, nung natapos ko yung paglilinis ko, nanginginig na yung paa ko sa sobrang dami ng binuhat kong kung anu-ano. Inangat ko pa yung kama (may tumulong sakin, of course). Grabe lang, ang liit na ng kwarto ko tapos halos limang oras akong nag-linis. Inisa-isa ko kasi yung mga anik-anik na letters and gifts na natago ko.

Habang naglilinis ako, narealize ko kung gaano ako kaingat sa mga gamit na binibigay sa ‘kin. Kahit sobrang walang kwenta pero may sentimental value, nakatago pa rin sa drawers ko. Tapos hindi rin ako nagtatapon ng mga bagay na hindi ko naman ginagamit pero sa tingin ko ay magagamit ko sa future. Sobrang dami tuloy na “junk” sa kwarto.

Ang sarap balik-balikan ng bawat memories na associated sa bawat bagay na nahalungkat ko. Hindi ko tuloy matapon-tapon. Pero iba yung feeling eh. I felt lonely, happy, melancholic, pati nostalgic. Ang sarap lang ng feeling.

I’m not looking forward to cleaning my room again. Pero kung kasing saya naman ng katulad nung ginawa ko kanina, I’ll take on the challenge.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s