One Act Of Random Kindness

Last Friday (Aug. 2), hindi ako sumabay kina Rio umuwi kasi akala ko talaga may kasabay akong iba. Eh hindi ako sinipot kaya nauwi na ako na lang mag-isa ang umuwi. Dahil sa bus ban na ipinatupad nila sa Manila, nag-isip pa ko kung sa LRT o sa FX ako sasakay. Syempre, ayoko munang mag-FX. Nakakatakot kasi sa Lawton kapag madilim. Kaya kahit alam kong siksikang malupet, nag-LRT na lang ako.

Nakakapagod yung biyahe. Bago ako makasakay ng tren, mga pitong tren na yung pinalampas ko sa sobrang siksikan. Hindi rin nakakatulong na sobrang daming dumarating na tao. So 6 pm, nasa D. Jose station na ako. By 6.30, nakarating na akong Baclaran. Bago pa ako makasakay ng jeep, mahabang lakaran pa yung kailangang gawin. Pero syempre alam ko naman iyon kaya keri lang. Pero pagdating ko dun sa usual na sakayan ng jeep, wala ni isa. Ibig sabihin, sarado yung daan para ikutan ng jeepneys pa-LPC. Nangyari na rin sa akin ‘to dati… na wala akong masakyang jeep papuntang bahay kaya alam ko na ang gagawin ko.

Isa pang mahabang lakaran.

Pero wala talagang jeep. Puno lahat. Kung kaya ko talagang sumabit at hindi mabigat ang gamit ko, sasabit na lang talaga ko sa jeep eh… HAHAHAHAHAHA! pero hindi ako magbabayad. 😛

Habang naglalakad, may babaeng biglang nagtanong sa akin kung saan daw yung sakayan papuntang Alabang. Hindi ko alam kung ituturo ko ba yung dadaang Coastal Raod na bus o yung mga jeep lang. Tapos sinabi niya na pagod na pagod na daw siya at di niya alam kung saan siya sasakay. Naliligaw na daw siya tsaka hinihika. Tapos 30 pesos na lang daw yung laman ng wallet niya, natatakot siyang umuwi kasi gabi na. Edi sabi ko sabay na lang kami.

Alam ko ang iniisip niyo, “Bakit mo kinakausap yung taong hindi mo kilala? Alam mo ba yung kasabihang DON’T TALK TO STRANGERS?!” Pasensya na guys… may motto kasi ako:

ONE ACT OF RANDOM KINDNESS A DAY.

Hindi man halatang may random kindness na nanggagaling sa akin, pero I make sure na nakakagawa ako kahit isa lang. Yung tipong magpapaupo ako ng matanda sa upuan ko kapag ako yung nasa harap ng bus, o di kaya yung paghuhulog ng barya sa donation box kapag dumadaan ako sa may simbahan, o kaya pagsara ng kurtina kapag naiinitan yung katabi ko sa bus kahit na gustong gusto kong dumungaw sa lahat…

Siguro sa araw na iyon, ang one act of random kindness ko ay ang pagtulong sa babaeng iyon na makarating sa bahay nila. So sinamahan ko siya. Sinamahan ko siyang maghanap ng jeep, sinamahan ko siyang maglakad. Ng medyo tumigil kami sa paglalakad dahil wala talaga kaming makitang jeep at nagdesisyon na lang na maghintay, bigla naman niyang nabanggit yung tungkol sa boyfriend niya.

Yung boyfriend niya na dapat ay kasama siyang umuwi. Yung boyfriend niya na hinintay niya ng dalawang oras. Yung boyfriend niya na naunang umuwi dahil natatakot na walang masakyan. Nagulat pa nga ako kasi biglang nagmura yung babae sa harap ko. Kinabahan ako bigla. Pero tuloy lang siya sa kwento. Tuloy lang din ako sa pakikinig. Nalaman ko na sa EAC nag-aaral yung lalaki, siya sa PATTS. Na hindi daw ito yung unang beses na ginawa sa kanya iyon ng lalaki. Dati pa daw, mula PATTS, pinuntahan pa niya yung lalaki sa EAC para lang magkasama sila kasi matagal na daw silang di nagkikita dahil nga sa school and everything. Nag-aadjust silang dalawa kasi first year yung ate, second year yung boyfriend. Di sanay na magkaiba yung sched nila. Eh nung pinuntahan niya sa EAC bigla daw bumuhos ang ulan. At alam naman nating ang sitwasyon sa taft kapag umulan kahit ambon lang– baha. So inabutan siya ng baha. Worse, yung baha lang ang umabot sa kanya. Si boyfriend? Umuwi na.

Habang nagkukwento si Ate, napaisip ako kung bakit nagtitiyaga siya sa boyfriend niya eh mukhang ang selfish naman. At base sa kinukwento niya, mukhang may ibang girl na sa EAC. I mean, maganda naman si Ate. Kaya niyang palita yung lalaki in a heartbeat. Maliban na lang talaga kung artistahin yung mukha nung boylet. Pero seryoso, bakit kailangan mong magtiis sa taong nakakaya kang saktan ng ganon ganon lang at walang ipinapakitang improvement sa relationship niyo? Oo, nangyari na dating iniwan siya habang naghihintay. Pero sana naman hindi na naulit. Isa pa, hindi ba usapan nila iyon? Na magkita sila? Eh bakit nag-iiwanan? Talkshit ka naman pala kuya eh.

Nakikita kong nangingilid na yung luha niya habang nagsasalita sa akin. Hindi ako nagkokomento kasi mukhang gusto lang niyang maglabas ng sama ng loob at ako lang naman ang taong available para mapaglabasan ng galit.

Gustong gusto kong sabihin sa ate na iwanan na niya yung boyfriend niya. Wala akong say sa nararamdaman niya. Kung kaya pa niyang pagtiisan ang boyfriend niya at ang kagaguhang ginagawa sa kanya, bahala na siya doon. Pero unhealthy ang relasyon nila. Sana, in time, ma-realize iyon nung babae. Sana makahanap siya ng lalaking magpapahalaga sa kanya at hindi yung iiwan siya dahil lang sa takot na walang masakyan pauwi.

So ayon. Nakarating ako ng bahay in one piece. Hindi naman serial killer yung ate. Hindi rin snatcher (maniwala kayo, I checked my belongings. Haha).

Tanga lang siya. Tanga sa pag-ibig. Gaya ng nakararami sa atin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s