Grand Gestures

Ayokong ikwento yung buong love story ni Kuya Marc at ni Ate Shie kasi medyo hindi ko naman din kasi alam yung buo. Basta parang ang angsty ng pagkakaget-together nila. And it happened in college.

Sa totoo lang, mala-fairytale nga yung story nila. Basta, parang nung narinig ko, mas naniwala ako sa true love and happily ever afters. Naniwala akong may ganoon sila at naniwala akong someday magkakaroon din ako ng ganoon. This time, hindi lang sa mere fairytales ko itinulad yung pagiging hopeless romantic ko kundi nagkaroon ng totoong tao sa totoong buhay na kinainggitan ko ang love story.

Alam kong mahal ni Kuya Marc at ni Ate Shie ang isa’t isa. Nakilala ko nga lang si Ate Shie sa hindi magandang circumstance. At iyon ay yung time na naging pregnant siya accidentaly. But my cousin manned up at pinanindigan niya yung responsibilidad niya. Noong time kasi na iyon, kakagraduate lang niya sa college tapos walang trabaho kasi ayaw niya talaga sa course na tinapos niya. Pinilit lang siya ng Mama niya. Noong nagbubuntis si Ate Shie, nag-training siyang magpulis. Pulis na siya ngayon, BTW. Ayon… Kapag may family gatherings lagi ko silang nakikita, ang sweet sweet, ganon. Sa sobrang sweet nilalanggam na ko. Minsan nga hindi ko pa matake.

Pero syempre hindi lahat ng story masaya. May rough times din. Itong mga nakaraang buwan, may situation na nangyari. Parang namiss ng pinsan ko ang pagiging binata kaya… Medyo nainis ako kay Kuya no’n pero alam kong wala akong karapatang mainis sa kanya. At nagkaroon ng downfall yung relationship nila. Hindi na sila pumupunta sa family gatherings. Hindi ko na nakikita yung pamangkin ko kasi nagi-stay na sila dun sa parents ni Ate Shie. My heart broke for them. Parang ang tagal nga nilang nagkahiwalay. Nakakarinig na lang ako ng balita sa kanila sa mga bulong-bulungan ng mga chismakers kong titas.

Nitong nakaraang linggo, alam kong nagkakaayos na sila. Last month pa nga ata eh. They were taking it slowly. Tapos magkasama na ata uli silang nakatira sa iisang bahay.

Earlier today, nagvideoke kami. Birthday kasi ng isa kong tita tapos dito kami sa bahay nagcelebrate (lagi naman eh). Si Kuya Marc sumaglit lang kasi may pasok siya. Naglunch lang siya pero siya yung nag-ayos ng Magic Sing. Tapos edi nagtetesting na siya, yung mic test mic test thingy. Tapos kinanta niya yung This Time. First time ko lang marinig yung kanta pero yung words… tapos kung pano niya dineliver… with matching luhod luhod at kiss sa likod ng kamay. Sa harap ng mga tita ko. Nakakahiya yun! Syet. Hindi pa nga niya makanta ng ayos yung kanta kasi hindi niya memorize. Basta.

Ang cute nilang tignan, naiinggit ako. May tricks pa pala si Kuya… Mehehehehehe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s