Worst Day Ever

Pramis, ito na talaga yung pinakanakaka-depress at nakakapagod na araw sa buhay ko dahil sa iba’t ibang factors. Ayoko nang magsalita in detail tungkol sa mga nangyari. Gusto ko lang ng mapaglalabasan ng nararamdaman. Kanina sa bus pauwi nahihiya na ko sa katabi ko kasi nakita niya akong umiiyak. 

Una kasi, si Jelly. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari kanina. Bigla siyang umiwas sa min. Ang hinala nina Rio, ako yung may kasalanan kasi may sinabi ako kaninang lunch. Pero hindi naman para sa kanya yung sinabi ko pero nadirekta na sa kanya. Basta, nagalit ako sa kanya pero nagalit ako sa sarili ko kasi hindi naman dapat ako magalit at maguilty kasi wala naman akong kasalanan. 

Tapos susunod, yung sa Calculus. Ang baba ng grade ko. As in ito na talaga yung lowest of the low na pwede kong maging grade. Nalungkot ako kasi narealize ko yung pinaggagagawa ko sa buhay ko. Hindi ako masyadong nagko-concentrate sa pag-aaral ko kasi pinoproblema ko yung SQE tapos ngayong tapos na ang SQE, wala pa din. 

Tapos habang naglalakad ako sa Teresa pauwi, nakareceive ako ng text sa Tita ko. Nasa ospital nanaman daw si Lolo. Tapos naisip ko yung kaninang umaga, nakalimutan ko siyang injection-an. Sinisi ko nanaman yung sarili ko at ang makakalimutin kong utak. 

Seriously, nakakapagod na. Sana ang buhay parang chapter sa libro. Kapag sa tingin mong nakaka-overwhelm na yung mga pangyayari sa storya, pwede kang mag-ipit ng bookmark saka itabi muna yung libro para ipagpatuloy na lang kapag okay ka na. Chapter brek, ika nga. Pero hindi ganon eh. Tuloy-tuloy yung buhay sa paligid mo. May namamatay, may nabubuhay. May nakakapasa sa Calculus, may bumabagsak. 

Pero dahil hindi ko na talaga kaya, I took my own chapter break. Biglaan desisyon lang ang pagpunta ko sa Intramuros. Mag-isa pa ako. Wala naman akong ginawa kundi maglakad. Lakad lang ng lakad. Ni hindi pumasok sa isip ko na matakod kasi gabi na at nasa unknown territory ako. Pero wala eh, stressed na ko at ayoko pang umuwi kasi panigurado magbe-breakdown ako. Nasasakal din ako dito sa bahay.

Bakit ko pinili ang Intra? Parang ang magical kasi sa loob. Noong unang punta ko talaga dito, tuwang-tuwa ako kasi para kang pumasok sa ibang lugar kahit na medyo may mga modern stuff don. Ayon. Nagpunta akong PLM, Mapua, Fort Santiago, Lyceum, yung 7-eleven na makaluma yung itsura. Saka lang ako umalis nung pagod na pagod na talaga ako.

Akala ko talaga nalabas ko na yung frustration ko. Pero nung naiwan na akong nalulunod sa mga iniisip ko, ayon na, di ko na napigilan. Umiyak pa ko sa bus na nakita nga, sabi ko kanina. 

Buti na lang at may 2 days reprieve ako. Two days. Magpapahinga akong bongga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s