Creep

Ewan ko kung bakit ko kinausap yung mamang lalaki (malamang lalaki) kanina pero siya talaga yung nagsimula nung usapan. Ito ang kwento…

Nasa bus na kasi ako papuntang Las Piñas no’n. Tapos as usual, umupo ako sa may window seat kasi ang sarap mang-hunting ng gwapos sa may parteng La Salle kapag nasa window seat ka. Sa may right side yun ah. Sa may paterng Kalaw, tumabi sa akin yung mama. Tapos wala, iba lang yung aura niya pagtabi niya sa ‘kin. Nagtaka nga ako dahil sa dinami-dami ng pwede niyang upuan, don siya umupo sa tabi ko. Patay na oras kasi kaya walang masyadong pasahero. Ayon, let’s go back to the weird aura. Gusto ko talagang umalis sa upuan ko kaso ang awkward kapag tumayo ako tapos hahanap pa ako ng upuan kaya I stayed put. Tapos tumatayo yung balahibo ko sa batok kasi parang nakatingin siya sakin habang nagha-hunting ako ng gwapo sa labas. Basta, ang uncomfortable.

Tapos sa may bandang World Trade Center, bigla niya akong kinausap…

Manong: May pasok ka?

Ako: (tango) Opo.

Manong: Saan ka nag-aaral?

Ako: Sa PUP po.

(May paglilinaw pang naganap kasi akala niya sa UP ako nag-aaral. Tapos nagtanong siya ng course ko, yung ginagawa doon, yung trabaho after school. Tapos nagkwento siya kung san siya galing, na nag-aapply siya ng trabaho. Tapos maya-maya tinanong na niya yung sa kapatid ko tapos sa tatay ko, yung trabaho, kung saan ako nakatira. Syempre yung mga sagot ko vague. Yung mga tig-iisang salita lang. Tipid talaga. Gusto ko kasing iparating sa kanya na ayokong makipag-usap sa kanya kasi ang creepy niya ng hindi nagiging impolite habang ginagawa yun. Kasi mas matanda pa rin siya sakin at tinuruan akong maging respectful. Pero tinuruan din akong huwag makipag-usap sa hindi ko kilala kaya I kept my distance. Buti na lang talaga at sa may Airport Road siya bumaba kundi ako yung unang bababa sa kanya.

Nagulat pa nga ako nung tinanong niya yung sim ko kung Smart ba daw. Sabi ko Sun. Fuck! Naasar ako. Konting push pa, babab na dapat ako. Buti na lang talaga nauna siya. Huhuhuhuhuhu! Natakot talaga ako. Creepy. Ayoko na. Makahanap na ng private driver. Na babae.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s