Random Ranting

Random 1:

Ewan ko kung anong sasabihin ko. Gusto ko lang dumaldal. Nababagot na kong nakakulong lang sa bahay. Specifically, sa kwarto ko. Tinatamad na nga din akong  magbasa ng libro. Ang dami pa namang nakapilang kailangan basahin. Pero wala talaga ako sa mood, kaya maghintay na lang muna sila sa shelf.

Random 2:

Galing ako kanina ng high school ko. Nagbayad ako ng tuition ng kapatid ko tapos kinuha na rin namin yung books niya. (Ang bigat, grabe.) Natuwa ako nung nagbayad ako sa cashier. Kasi nung tinatype niya yung surname ng kapatid ko (na surname ko din pala), biglang lumabas yung pangalan ko. Nasa unahan ng listahan kasi letter A yung simula non eh. Ayon, natuwa ako. Kasi nga nandon pa yung pangalan ko. Basta, natuwa na ako don. Feeling ko kasi estudyante pa din ako ng SJA. Kilala pa nga ako nung cashier eh.

Habang nasa school I felt nostalgic. Tumambay pa nga ako dun sa lagi naming pinagtatambayan nung high school. Parang iba na yung feeling habang nakaupo ako don. Parang hindi ko na feel yung pagiging part ko ng community na ‘yon, you know what I mean? Wala na din kasi yung mga taong kasama kong gumawa ng memories sa lugar na ‘yon. Yung mga pumapasok ng maaga para mangopya, mga nagpapatali ng buhok, mga magpapapalit ng chips, yung mga maagang pumapasok para magkaroon ng konting moments kausap si crush na maaga ding pumasok (modus operandi ko ata to). I miss high school Nakakamiss maging carefree. Yung sa lyrics nga. Yung YOUNG AND WILD AND FREE, sa high school ko yan naexperience ng todo. Ngayon kasi medyo lie-low kasi MEDYO matitino yung classmates ko ngayong college.

Random 3:

Speaking of tuition fees, hindi pa ako nagbabayad ng akin. Ngayon yung unang araw na nagsisibayad sila sa Landbank. Ako hindi pa kami magbabayad. Kasi medyo pinag-iisipan pa namin ni paPA kung lilipat pa ko ng school na mas malapit lang dito sa amin. Naaawa na daw siya sa akin na lantutay na kapag umuuwi. Pero ayoko nang lumipat. Dami pang aasikasuhin. Tapos back to zero nanaman ako. New classmates, new surroundings, and all that. Ayoko na. Masaya na ko sa classmates ko ngayon.

Random 4: 

Kahapon, birthday celebration ng pinsan ko. Sa handaan, may dalawang bowl ng orange juice. Nasarapan ako sa juice kaya inom lang ako ng inom. Yun pala, yung isang bowl, may lambanog. At yung may alcohol yung tinitira ko. Isipin niyo na lang kung anong nangyari after? DISASTER. Haha. Grabe hilo ko kahapon. Tapos nagvideoke pa kami. Oha. Hindi pa naman ako umiinom ng alak kaya yung tolerance ko sa alcohol ay sobrang baba. Hindi pa ako sanay! Haha. Wag muna ngayon. Saka na lang ako maglalasing kapag nakipagbreak na sakin yung imaginary boyfriend ko. Sa ngayon, happy happy muna ako.

Random 5:

Hindi ko matapos yung story ko sa Wattpad. Nawawala sa utak ko yung susunod na mangyayari. Masyadong matagal kasi akong nawala. Bummer.

Random 5:

Bibili dapat ako ng The Book Thief mamaya kaso wala na pala akong money. Hirap ng poor.

Random 6: 

Magpapagupit sana ako kahapon kaso na-distract ako sa pagkain. Ang daming handa kahapon baka kapag umalis ako ng bahay maubusan ako ng pagkain. HAHAHAHA! Joke. Pero baka next week na lang ako magpagupit. Ang hirap mag-let go ng matagal mong pinahabang buhok… 😦

On Blogging: Sad Theme

Nade-depress ako sa blog ko. Ang lulungkot ng mga sinusulat ko.

Ang happy moments kasi madaling i-share sa ibang tao. Pero ang mga malulungkot? Iyan ang mahirap.

Ayaw mo kasing ipaalam sa iba na marunong kang maging malungkot. Na kapag hindi mo sila kasama, yun lang ang kaya mong gawin, ang maging malungkot. Kasi kapag mag-isa ka na lang, iyon na lang ang iisipin mo, yung mga problema. Kaya nga tayo natatakot maging mag-isa kasi alam natin kung anong nagiging epekto sa atin ng solitude. We think too much, it hurts.

Itong blog na ‘to, konti lang ang nagbabasa nito. Someday wala nang babasa nito. Pero itong blog na ‘to ay special sa akin kasi dito ko lang talaga nailalabas lahat ng nararamdaman ko. Hindi man lahat lahat talaga pero at least dito honest ako. At least dito, hindi ako natatakot sa sasabihin ng iba. At least dito, pwede akong magshare ng malulungkot na bagay ng hindi nagbibigay ng burden sa ibang tao na dapat nila akong i-comfort. Knowing that at least someone reads this even though he/she is a stranger is enough. At least he/she cared enough about me to read my rants.

Out Of Here

I really, really want to escape from this place. It’s destroying us. All the useless gossiping and the fake friendship, it’s disgusting.

It has always been my dream to get out of this place. Away from the snotty relatives. Away from their sharp tongues and judgemental stares. Away from them, always trying to look inside our house and check everything out.

I hate them knowing everything about me. They rejoice in my success. They feel entitled to do it because maybe someday I could help them if they asked for it. They criticize. They judge. They destroy.

I know they’re family. But they need to know their boundaries. They know too much. We have given them too much ammunition so when they try to bend us, they have great advantage to do so.

Someday I’m gonna leave this place and have my well-deserved privacy. Just not today. Today I endure. Today I make myself stronger than yesterday. Today I put my feet on the ground. And tomorrow… Tomorrow I’m out of here.

Frisbee

Ang saya ng frisbee competition namin kanina, swear. Tapos tuwang-tuwa pa ko sa drifit shirt namin. Feeling varsity lang eh.

Unang team kami na naglaro, kalaro yung Red Team. Di ko alam yng tawag nila sa team nila eh. Haha. Ayon nga, nung una, parang ewan kami. Kasi hindi talaga namin alam kung pano kami maglalaro. Kapag nalaglag yung disc, paunahan lang naming kunin iyon. Hindi pala dapat ganon. Tapos wala din kaming ka-strategy-strategy. Kaya go with the flow na lang yung laro namin.

Panalo kami sa first game. Sa second game din. Overall champion. Haha. Excited, tinapos ko agad yung kwento. Pero kasi hindi ko naman talaga nakikita lahat ng pangyayari. Kaya parang wala talaga akong ma-narrate na happenings sa field. Kukwento ko na lang lahat ng kababalaghang nangyari sa akin.

Sa unang game, dun sa part na naghahabol na kami ng frisbee (malamang), may point sa fifth game na akala ko tapos na yung round ng laro kasi akala ko, naipasok na sa end zone yung disc. Sila, laro pa rin ng laro. Sumisigaw naman ako, “HINDI PA BA TAPOS? AKALA KO TAPOS NA? PUMASOK NA SA END ZONE!!!” Pero wala talagang nakikinig sakin. Laro lang sila ng laro. Eh nasa end zone lang ako, mag-isa at walang bantay. Tapos, maya-maya, nakita ko si Kimwell, pinandilatan ako ng mata. Tapos hinagis sakin yung frisbee. Nagulat ako. Bigla ko kasi siyang nasalo. Ayon, nadagdagan kami ng point. Haha.

Kalaban pa rin yung Red team, hinagis yung frisbee tapos aagawin ko dapat sa Red. Eh si MJ yung sasalo, malapit na sakit tapos binlock ako ni MJ. Nung sasaluhin ko na yung disc, natamaan ko yung mukha ni MJ. Nung tapos na yung game, nalaman ko natamaan ko din pala si Liezel sa mukha kasi nasa likod ko siya nun. Haha. Double foul?? HAHAHAHAHAHAHA! Akala ko braso lang yung mukha ni Liezel eh.

Sa pangalawang game, kalaban na namin yung Blue team. Tensed nga yung simula ng laban kasi ang galing talaga nila. Ang bilis pa nila. Basta.

Nasa end zone nanaman ako. Pramis, gustong gusto ko talaga yung end zone kasi walang humaharang sakin.Bago makascore ng second point nila, syempre sabi ko nga, nasa end zone ako. Mag-isa nanaman nga ako nito eh. Tawa kasi ako ng tawa kay Janet at Lapuz. Ang kulit nilang tignan. Tapos maya-maya naramdaman ko na lang na may biglang pumasok sa lalamunan ko na gumagalaw-galaw pa. Nung lumapit na sakin yung team sa end zone namin sinigaw ko, “NAKALUNOK AKONG LANGAW!” Pramis, bago ako uminom ng tubig nararamdaman ko pa siyang nakabara sa lalamunan ko. Nung inaasar na ko ng halos buong section nung nalaman nila na nakalunok ako ng langaw, hindi na ako makaimik. Hindi sila naniniwala sakin pero habang pinagtutulungan nila akong asarin, nararamdaman ko pa talaga siya sa lalamunan ko. Errrr…

Sa last round, ako nanaman yung nag-iisa sa end zone pero nandon din si Lapuz pero di ko siya kagrupo kaya hindi counted yun. Haha. Hinagis sakin ni Howard yung disc, anlayo. Potek. Hinabol ko siya, nasa likod ko si Lapuz, pinipigilan ako. Ang unfair nga eh kasi hinihila niya ako sa buhok! Grabe! Pero hindi ko talaga nasalo yung disc. Sobrang taas kasi eh!

Ayon lang. Ang pinakaginawa ko lang talaga dun eh ang mag-slide sa buhanginan. Lagi kasi akong naa-out of balance, hindi pantay yung sahig. Yung sahig talaga yung may kasalanan. Tsaka todo habol kasi ako sa disc eh. Bibo kid!

Pagkatapos ng laro, maitim na ako at masakit ang thigh muscles. Matagal akong nakapagpahinga sa bus pauwi tapos pagtayo ko nung bababa na ko, nanginginig yung tuhod ko. Inakyat ko pa yung footbridge. Kasi nakakaasar yung escalator eh. Escalator nga, hindi naman umaandar. Tsk.

Best day ever na sana sa saya ang araw na to. Kasi yung buong klase kakaiba yung bond na na-form sa laro. Kahit isang araw lang, lumabas kami ng grupo-grupo namin at nagawang maging kagrupo ang ibang tao. Wala lang, ang sarap sa feeling.

Sabi ko nga, best day ever SANA ‘to. Kaso nanakawan kasi ako ng cellphone kaninang umaga kaya medyo nabawasan ang good mood ko.

Ayon, matutulog muna ko. Tapos mag-aaral na ako. Last day of summer classes na bukas! ^^