Goodbye, Twitter

Goodbye, Twitter

Binura ko yung Twitter ko kanina. May mga nag-react kung bakit ko daw ginawa iyon, at ang dahilan talaga ay dahil nasasakal na ko sa Twitter.

Noong nagsisimula pa lang ako sa website na to, malamang, konti pa lang ang tao do’n. Kami pa nga lang ni Pearl, Pauline at Nica ang nagtu-Twitter sa circle of friends ko nung high school. Yung picture ko, hindi mukha ko tsaka iba yung pangalan ko tsaka iba yung username ko. @accio_edward pa nga yun noon eh. Ang ancient ko na talaga sa Twitter, kung tutuusin. Since 2009 pa ata. Nitong mga panahon na ‘to, hindi pa matunog sa tao ang social networking site na ‘to. Tanging Friendster, Myspace at Facebook pa lang talaga. And I enjoyed Twitter. A lot. Nafa-follow ko yung mga kinababaliwan kong artista, mga kasama kong mabaliw na mga kaibigan, at ang mga nakakabaliw kong mga crush. Stalker na kung stalker. Lahat naman tayo sa Twitter iyon ang purpose.

Pero habang tumatagal, naging kilala ang social networking site na ‘to. Madami nang gumawa ng kani-kanilang Twitter account at halos maloka na kakaisip ng username kasi laging may nakakakuha na ng gusto mo. Pero gawa ka pa din ng gawa hanggang sa lahat na nga character sa keyboard nagamit mo na.

Noong nagtapos ata ako nung high school noon nung pinalitan ko ang avatar ko. Pero @endlesslaugh na yung username ko bago pa noon. Biglaang nagsi-follow yung mga schoolmates ko. Ako naman, follow back ng follow back. Mabait ako eh. Kaya kahit na pagkatapos ko silang i-follow at ina-unfollow nila ako, tanggap ko lang.

Tapos nag-college. Yung mga college classmates and friends ko may Twitter yung iba. Yung iba kelan lang gumawa. At kahit hindi ko pa talaga sila ganoon kakilala noon, finollow ko sila. At natuwa naman ako’t ginawa ko iyon kasi kahit papano nakilala ko sila sa labas ng school.

Tapos eto pa, pati mga kamag-anak ko, nakiuso. Twiiter na din sila. Hinalungkat yung PC namin tapos hinanap ang username ko. Follow. Follow back.

Masaya sa Twitter. Sobra. Pero aminin na natin, hindi forever na pwede kang maging masaya sa isang bagay kasi darating sa point na madi-disappoint ka, masasaktan, at malulungkot sa mga mababasa mo. Worse, sa mga maririnig mo na sinasabi ng iba tungkol sa’yo dahil lang sa isang tweet mo.

At that point, mako-conscious ka na sa sinusulat mo. Bawat salitang binibitawan mo, iniisip mo na baka magkaroon ng masamang feedback kaya hindi ka na lang magpo-post ng tweet. Mananahimik ka na lang at isu-suppress yung desire mo na sabihin yung gusto mo. Para na rin nilang tinakpan ang bibig mo para hindi ka makapagsalita. Para nilang tinanggal yung pakpak mo para lumipad. It’s suffocating.

Noong medyo nanahimik ako sa Twitter, naging active ako sa blogging. But still they went after me. Naalala kong naka-link pala yung luma kong blog sa profile ko. So updates on that site have to go.

I killed my Twitter account, iyon ang masasabi ko. Pinatay ko siya. Kasi what’s the use kung hahayaan kong active pero hindi naman ako nakakapag-express? Tama nang magpahinga na lang siya. Kasi kung hindi ko ginawa iyon, it’s like my accounts alive but not really living. Kasi nga Twitter is for your freedom of expression. But they took it away from me.

So yeah, that’s it. Gagawa uli ako ng Twitter account in time. Isang oras ko pa nga lang dineactivate yung akin pero miss ko na siya. But for now, goodbye, Twitter.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s