Wandering Mind

My mind is not the most focused ones out there. There’s just a lot of thoughts going on in here and most of them are actually nonsense. Sometimes I wonder if I really want to be focused on one thing but I am glad to have a very easily distracted mind. I can easily distract myself from certain kinds of thoughts. But there are times, like today, when I should be studying and I find it hard to concentrate. Like I said. Too many distractions.

It’s also the reason why I’m too forgetful. My mind jumps from one thought to the next and I tend to forget my earlier train of thought.

My mind’s a mess. But not in a bad way. But I love my mess. Along the way, when I’m starting to pick everything up, I come across things that make me feel happy. Thoughts that will make me stop for a while and savor for a moment. That’s the best thing for me, I guess. Finding pleasure on things that once was. On things that you once experienced and recalled and now you feel the exact same feelings you had at that specific memory. Having it inside my messy head and encountering once again… it’s a different kind of high.

Advertisements

She Needs A Hug

POST I MADE LAST NIGHT: (Di ko pala napublish. Ayoko na sanang ipublish kaso parang walang kwenta yung pagba-blog ko kung di ko ipapublish.)

Alam kong middle of the night na. Hindi lang ako makatulog. Hindi maalis yung bigat sa dibdib ko. Na-pressure nanaman kasi ako sa SQE. Habang yung iba nag-aaral, ako nagdadalawang isip nanaman kung ito ba talaga yung tamang direksyon para sakin.

At hindi nakakatulong yung mga iniisip ko ngayon.

Iniisip ko yung kahapon habang bumababa kami pauwi, kung pano nila binibirong hindi ako makakapasa sa SQE. Ako pinipilit kong ibaon sa isip ko… pinipilit na kumbinsihing biro lang ang un. Pero parang sa loob-loob ko, hindi ko mapigilang isipin na baka totoo. Na baka nagda-doubt din sila sa akin. Na hindi ako makakapasa.

Iniisip ko yung biro ni Patrishia na kapag di ako nakapasa ng SQE, si Rio na lang daw yung bago niyang bespren. Somehow, may link sa una kong sinabi, na baka nga di sila naniniwalang makapasa ako. Pero parang ang sakit lang na kahit pabiro, kaya ka agad palitan ng isang tao.

Iniisip ko nanaman si tatay. Na tila nagdadoubt din siya sa SQE. Hindi man niya direktang sinasabi pero nasa tono ng boses niya sa tuwing tatanungin niya ako kung kaya ko… basta. Ina-underestimate niya ako. Yan ang pakiramdam. May pagka-sobrang sexist din kasi siya. Siguro kung pinanganak akong lalaki hindi niya ko titignan na mahina.

Alam ko kung anong iniisip niyo. Na ang daming kalandian ng iniisip ko. Na napakanegative nitong mga to. Pero sa lahat ng positive side, hindi ko maiwasang isipin ang mga negative. At napapangit pa ng thoughts ko.

Gusto ko lang naman talagang ilabas ito. Hindi na kaya ng konting patak ng luha yung frustration. Buti na lang di ako suicidal kundi madali lang solusyunan ang mga problemang ito. Pero hindi naman talaga solusyon iyon eh, diba?

At least ako alam ko kung anong makakapag-uplift ng spirits ko. I WANT A HUG. Yung tipo ng yakap na feeling mo mauubos lahat ng oxygen sa katawan mo. Yung tipong kapag yinakap ka, feeling mo mababawasan yung bigat na pasanin mo. Yung tipo ng yakap na sincere.

tumblr_mmg567I58k1s8zk6to1_500

Unfortunately for me, isang tao lang sa tanang buhay ko ang yumakap sa akin ng ganon. At no, hindi isa sa parents ko. Hindi sila touchy-feely.

Isang tao lang ang yumakap sa akin ng ganon. At ngayon hindi na ako mayayakap pa noon. Kasi yung mga yakap niya sinama na niya sa kabilang buhay three years ago.

I NEED A HUG. Hindi ko alam kung kelan dadating iyon pero ngayong gabi, makukuntento na ako sa basa kong unan.

Tired but Happy

Ramdam na ramdam ko ang happiness ngayong araw na ‘to kahit na nakakadagdag ng tigyawat ang stress, keri lang ang buhay. 

Ito ang listahan kung bakit masaya ang araw ko:

1. 1.5 hours lang ang Calculus. Ang sarap ng feeling kapag yung 4.5-hour class naiklian. Para kang nabunutan ng tinik. Para kang asthmatic na nakahinga ng maluwag. Basta. Ang sarap ng feeling. Parang blessing in dusguise na talaga kasi makakapag-review pa ako para sa test namin sa Computer. Pero hindi naman talaga ako nag-aral. Kunwari lang kasi yung mga kaibigan ko nag-aaral din. Mukha naman akong timang kung lahat sila nag-aaral tapos ako nakatunganga lang. Edi naki-ride on ako. Iba talaga kapag GC mga kasama mo. Feeling GC ka na din.

2. Ang daming nakakatuwang dialogue buong araw. Enumerate ko pa din. Ita-try kong gawin verbatim yung mga usapan kaso hindi niyo talaga maaasahan ang memory ko sa word-by-word na usapan.

  • Scene 1: Kakabili lang namin ng lunch at binubuksan na ang aming mga ulam.

Trishia: Ano ba naman ‘tong ulam ko, ang daming hotdog!

Ako: (binuksan ang styro at inangat ang unang nakita. Isang maikling buhok sa kanin ko.) PUBIC HAIR!

Trishia at Jonna: (Tawa ng tawa. Sumama na rin ako. Ang sa’ya na nila eh.)

(Dito, ang dami na naming ginawang joke tungkol sa maikling buhok na nakita ko sa ulam ko. Iginiit ko pa na pwede namng maging buhok sa kili-kili yung pubic hair.)

Ako: Anong tagalog ng pubic hair? Bakit yung sa kili-kili meron, “buhok sa kili-kili”?

Trishia: Meron kaya.

Ako: Ano?

Trishia: (nanlalaki na yung mata dahil di makapaniwalang di ko alam ang tagalog ng pubic hair.) ME-RON! O.O

Ako: (realization dawns.) AHHHHHHH.

(Narinig na nina Mika, na nasa kabilang dulo, yung usapan.)

Mika: Ano ‘yon? 

(Ayon, napunta na sa kanila yung usapang pubic hair. Kami naman nina Trishia at Jonna ang kumakain. Tapos si Jelly na nage-earphones na tinanggal yung earphones sa tenga, nakahuli ng conversation.)

Jelly: Ano yon? Saan? (saan daw yung pubic hair)

—— Binasa ko yung conversation tapos parang hindi nakakatuwa. BAkit hindi nakakatuwa? Potek, scene 2 na nga! ——–

  • Scene 2: Nagkukwento si Jonna tungkol sa nakasalubong naming ma-appeal na lalaki sa North. 

Jonna: May bago nang soulmate si Aira.

Friends: Sino?

Jonna: Yung lalaking ma-appeal sa North. Nagpapa-cute pa siya kay Aira habang naglalakad.

Ako: Sa akin?

Jonna: Edi sa akin na lang! 

——- Potek. Badtrip. Bakit parang mas nakakatawa talaga siya kanina? moving on… ———

  • Scene 3: Sa computer room, habang nagrereport ang mga classmates…

Jelly: Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng JAD (Joint Application Design)?

Ako: (seryoso) Ano?

Jelly: Jelly Ann Durante.

Ako: -__- 

(Maya-maya konti…)

Jelly: Ano… may nag-interview sa ‘kin. Parang sa mga survey para sa mga teenage pregnancy…

Ako: Oh,?

Jelly: Ang daming tinanong sa akin (Nakalimutan ko na yung sumunod niyang mga sinabi.) (Tumatawa na kami.) … Tapos tinanong niya ako kung nagma-masturbate ba daw ako

Ako: (pinipigilang tumawa. Nai-imagine ko kasi si Jelly eh.) Anong sabi mo?

Jelly: Nagpa-inosente ako. Sabi ko, “Ano… po… yung… masturbate?” —> imaginine niyo ang tono ng boses ni Jelly dito.

  • Scene 4: Sinabi namin ni Bespren kay Alfie ang tungkol sa JAD

Kami: (nagpakita ng papel na may nakasulat na “JAD” with accompanying hearts.)

Alfie: (nagtaas din ng papel: AYOKO NANG UMASA! JOKE!) 

—— JOKE daw. Kapag nakamove on na nga naman at may iba nang lablayp… joke na lang lahat. tsk. ——-

  • Scene 5: Naglalakad na kami pauwi, inaasar nila ako na hindi daw ako papasa ng SQE.

Ako: Magshi-shift na ko! 

Alfie: Wag diyan, walang jeep jan!

—— Shift, naging jeep, ampotek! ——-

3. Ang dami kong nakitang gwapo. I know, I know. Gwapo nanaman? Eh bakit ba. Gano’n sila ginawa ng Diyos, bakit hindi ko i-appreciate? Bawal?! Wala namang rule book na sinabing bawal tumitig sa gwapo. Para saan pa ang ka-gwapuhan nila kung bawal titigan?! Hmmm??

4. Nagtext sakin yung crush ko. Kinakamusta ako. Tapos nung nag-reply ako, sinagot naman niya yung tanong ko. Kaso may follow-up na, “last load ko na ‘to.” Ampupu. Ang hirap maging panghuli sa taong lagi mong inuuna. OH! SAAN GALING YUN?! HAPPY DAW DIBA?! Haha. Happy naman ako. Crush ko naman yun kaya no bitterness allowed.

5. Nakita ko na yung pinapagawa kong t-shirt. Nakadisplay na siya dun sa pagawaan ng tshirt. Can’t wait to claim it! MWAHAHAHAHA! Sana lang may pambayad ako. 

Ayon, masaya yung araw ko. Sa sobrang saya, kinabag ako. Tawa kasi ako ng tawa maghapon. Kahit na madami na kong nakalimutang dialogue, nakalimutang mga linya at mga banat, hindi ko makakalimutan yung nakakapagod na sayang naranasan ko maghapon. Ang sarap sa feeling kasi walang nakasira sa masayang mood ko. Ayon… Inaantok na ko. Haha. Pero kailangan ko munang uminom ng mainit na tubig. Kailangang ilabas ang excess hangin. Lels. 

Shift

Bago pa man magsimula ‘tong summer classes ko, tinanong ako ni Tatay. Sabi niya, “Anak, may MassCom ba sa PUP?” Sumagot ako na oo, meron. Tapos sabi niya, “Talaga? Bakit ‘di ka na lang doon nag-enroll? Nagkibit-balikat na lang ako bilang sagot.

Ngayon, noong binalikan ko yung tanong na iyon ni Tatay sa isip ko, na-realize ko yung meaning ng kibit-balikat na ‘yon. Parang sinasabi ko: Wala na eh, nasa Accountancy na ko eh. Naubos ko na yung dalawang taon ko sa college na ito. Tapos ngayon pa lang magtatanong kung bakit hindi na lang Mass Communication.

Eh bakit nga ba kasi Accountancy ang kinuha ko?

Noong fourth year ako, parang hindi pa talaga ako desidido sa kung anong course ang kukunin ko. Si Tatay, gusto niya na mag-Accountancy ako. Pero ang gusto ko talaga Theater Arts o kaya Mass Communication. Sabi naman ni Tatay na okay lang kung piliin ko ang MassCom pero alam niyo yun? Para ng habang sinasabi niya yung sa akin ay may tono ng pagpipilit na Accountancy na lang ang kunin ko. So iyon ang kinuha ko. Accountancy.

Sa umpisa, natutuwa pa ko sa Accountancy. Para kong batang sabik na sabik sa bawat maba-balance kong financial statements. Tapos humirap na. O hindi lang talaga ako nag-aaral. Wala talaga akong ideya kung bakit biglang naging ganito yung study habits ko. Parang bigla na lang akong nanghinang mag-aral. Nakakaiyak kasi ngayong panahong ito parang kapag titignan ko yung mga magulang ko tapos sasabihin sila ng iniisip kongmag-shift, makikita kong literally at figuratively na bumabagsak yung balikat nila. Kaya parang wala na kong magawa kundi mag-hold-on. Kahit parang ‘di ko na kaya. Sila na lang talaga ung dahilan kung bakit nagtitiis ako.

Hindi ko alam kung anong meron sa’kin sa future. Dahil sa uncertainty niya, natatakot ako na baka all along mali ang desisyon kong mag-stay. Na baka kapag pinatagal ko pa, mas masaktan ko pa ang mga magulang ko.

Pero kaninong buhay ba ang isinasabuhay ko? Sa kanila o sa akin? Madali lang ang sagot di ba? Buhay ko ‘to? So bakit parang wala akong total control dito?

I feel like a bird trapped in a cage. I want to be free to do what I want. Pero kasi masyadong maluho yung mga gusto ko. At walang mangyayari kung aabangan ko lang na mangyari ito. Tsaka ayokong magtiis lang. I want to do something about it. Pero sa tuwing iniisip kong solusyunan itong load na ‘to, parang mas lalo akong nabibigatan.

Mag-shift na kaya ako?